Barangay Officials at residente ng Brgy Tabas, nakiisa sa Crime Awareness Lecture ng Aurora PNP
Nakiisa ang mga barangay officials at residente ng Barangay Tabas sa isinagawang Crime Awareness lecture ng mga tauhan ng Casiguran Municipal Police Station sa Barangay Tabas, Casiguran, Aurora nito lamang Oktubre 19, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Casiguran MPS sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Donna Fe M Galban, Chief of Police.
Tinalakay sa programa ang mahahalagang batas at kampanya ng pamahalaan tulad ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, Anti-Terrorism Campaign, at Unified 911 Emergency Hotline System.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga residente ukol sa mga nasabing batas at mapalakas ang pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa kanilang barangay.
Ipinakita ng Casiguran MPS, ang kanilang patuloy na suporta sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong mapanatili ang ligtas at maayos na pamayanan sa lalawigan ng Aurora.