Force Multipliers, nakilahok sa Information Drive sa Eastern Samar
Nilahukan ng mga kasapi ng force multiplier ang isinagawang Information Drive sa Brgy. 09, Poblacion, Salcedo, Eastern Samar noong Oktubre 20, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Salcedo Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Julio M Quilbio, Officer-In-Charge na dinaluhan ng mga barangay officials, BHW at mga tanod ng nasabing barangay.

Tinalakay sa aktibidad ang tungkol sa Barangay Anti-Drug Abuse, Violence Against Women and their Children Campaign, Child Protection and Anti-Child Abuse Advocacy, RA 8353 the “Anti-Rape Law of 1997.”, EO No. 70 ELCAC at KAUGUP Crime Prevention Tips.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan at pag-unawa ng komunidad hinggil sa mga isyung panlipunan tulad ng pag-abuso sa droga, karahasan laban sa kababaihan at mga bata, at pang-aabuso sa kabataan, gayundin ay hikayatin ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan.