SK Barangay ng Belong, nagsagawa ng Tree Planting

0
565434424_1506999940613906_4059349351379515957_n

Nagsagawa ng tree planting activity ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Belong sa Tinglayan, Kalinga noong ika- 18 ng Oktubre 2025.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Tinglayan Municipal Police Station at Bureau of Fire Protection- Tinglayan.

Layunin ng aktibidad na ito na suportahan ang adbokasiyang pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan, pagpapalakas ng katatagan ng komunidad, at paghubog ng mas luntiang kapaligiran para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Ayon sa SK Chairperson ng Barangay Belong, ang aktibidad ay bahagi ng kanilang programa upang hikayatin ang kabataan na maging aktibong kalahok sa mga makakalikasang proyekto at maging ehemplo ng responsableng mamamayan.

Lubos naman na pinasalamatan ng pamunuan ng barangay ang suporta ng PNP at BFP sa naturang gawain.

Ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng pamahalaan ay mahalaga upang mas mapagtibay ang pagkakaisa tungo sa mas ligtas, maayos, at malinis na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *