2-Day Barangay Peacekeeping Action Teams Training, isinagawa sa Eastern Samar
Aktibong nilahukan ng mga Barangay Peacekeeping Action Team ang isinagawang 2-Day Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) Training na ginanap sa Arteche E-Complex, Brgy. Central, Arteche, Eastern Samar nito lamang Oktubre 20-21, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa pamumuno ni Police Captain Dominique G Ordonio, Officer-In-Charge kasama ang Arteche Municipal Police Station.

Itinuro ng mga kapulisan ang Basic Safety and Security Training sa pamamagitan ng paggamit ng Arnis.
Layunin ng pagsasanay na pahusayin ang kaalaman at kasanayan ng BPATS sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, bumuo ng mas matibay na pakikipagtulungan sa PNP, at magbigay ng mas malalim na pang-unawa sa mga pangunahing pamantayan sa kaligtasan at seguridad.