BADAC meeting, dinaluhan ng iba’t ibang ahensya sa Madalag, Aklan
Patuloy ang matibay na pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa laban kontra iligal na droga sa bayan ng Madalag, Aklan sa pangunguna ng Madalag Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PCPT JAYSON M MAUSIG, Acting Chief of Police, kasunod ng isinagawang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) meeting na ginanap nito lamang ika-19 ng Oktubre, 2025, sa Brgy. Pang-Itan, Madalag, Aklan.
Layunin ng naturang aktibidad na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng BADAC, mga stakeholder, at Barangay Auxiliary sa pagpapatupad ng mga programang pangkaligtasan at kampanya laban sa ilegal na droga.
Sa tulong ng lokal na pamahalaan, mga opisyal ng barangay, at iba pang katuwang na ahensya gaya ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Municipal Health Office, matagumpay na naisagawa ang pagsasanay at pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman upang mas mapalawak ang pakikilahok ng komunidad.
Ang aktibidad na ito ay patunay na ang matagumpay na kampanya kontra droga ay hindi lamang nakasalalay sa kapulisan, kundi sa sama-samang pagkilos ng bawat sektor ng lipunan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at kooperasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na liderato, at mamamayan, layon ng Madalag MPS na makamit ang isang ligtas, maunlad, at drug-free na pamayanan.
Source: Madalag Municipal Police Station