BPATs at Force Multipliers, Kaagapay ng Sudipen PNP sa Mapayapang Paggunita ng Undas

0
viber_image_2025-11-03_16-37-56-236

Bilang bahagi ng Ligtas Undas 2025 campaign, nanguna ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) at mga force multipliers, katuwang ng mga kapulisan ng Sudipen Municipal Police Station (MPS), sa pagsasagawa ng patrol at visitation sa Porporiket Cemetery, Brgy. Porporiket, Sudipen, La Union noong Nobyembre 1, 2025.

Layunin ng naturang aktibidad na masiguro ang kaligtasan, kaayusan, at kapayapaan sa paggunita ng Araw ng mga Yumao. Nakipagdayalogo din ang mga pulis sa BPATs at mga residente hinggil sa mga safety tips, regulasyon sa sementeryo, at mga hakbang laban sa kriminalidad upang mapanatiling maayos ang daloy ng aktibidad sa lugar.

Patuloy naman ang paalala ng Sudipen MPS sa publiko na makiisa at sumunod sa mga alituntuning ipinatutupad upang maging ligtas at mapayapa ang paggunita ng Undas sa buong bayan.

Source: Sudipen MPS
Panulat ni: Manlalakbay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *