Force Multipliers, nakiisa sa pagpapatupad ng Red Teaming para sa Ligtas Undas 2025

0
viber_image_2025-11-03_16-37-54-687

Aktibong nakiisa ang mga Force Multipliers sa pagpapatupad ng Red Teaming para sa Ligtas Undas 2025 sa Tanauan Public Cemetery, Brgy. San Miguel, Tanauan Leyte nitong Nobyembre 2, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tanauan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Carmelo I Gacho, Officer-In-Charge kasama si Police Captain Nadil Ripalda, RIAS 8 sa pag-inspeksyon sa itinatag na Police Assistance Desk sa nasabing sementeryo.

Ang pagbisita ay naglalayong tiyakin na ang mga tauhan na namamahala sa Police Assistance Desk ay ganap na handa, maayos na pinangangasiwaan, at sumusunod sa mga direktiba sa pagpapatakbo alinsunod sa Undas 2025 security plan.

Ang pagsisikap ay binibigyang-diin ng force multipliers at kapulisan sa patuloy na pangako sa pagpapanatili ng kaligtasan, kaayusan, at tumutugon sa tulong ng publiko sa panahon ng pagdiriwang ng Undas 2025.

-panulat ni patrolwoman Sherie-ann Masi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *