RMFB15 at Baguio Central University, lumagda sa MOA para sa pinalakas na edukasyon at serbisyong pampubliko

0
viber_image_2026-01-16_08-51-24-966

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15), kasama ang iba pang katuwang na ahensya, at ang Baguio Central University (BCU) – Criminology Department noong Enero 13, 2026 sa BCU, Baguio City, bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng akademya at ng sektor ng pagpapatupad ng batas.

Taglay ang temang “Strengthening Linkages, Building Futures: A Unified Commitment to Criminology Excellence,” layon ng kasunduan na pagtibayin ang kooperasyon sa larangan ng edukasyon at serbisyong pampubliko. Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagsasanib ng teorya at aktuwal na karanasan upang higit na mahubog ang kakayahan, disiplina, at propesyonalismo ng mga mag-aaral ng kriminolohiya.

Sa ilalim ng MOA, inaasahang magkakaroon ng mas malawak na oportunidad ang mga estudyante para sa hands-on learning, exposure sa aktuwal na operasyon, at paglinang ng mabuting asal at pagpapahalaga—mahahalagang sangkap sa paghubog ng mga magiging lingkod-bayan sa hinaharap.

Ipinapakita rin ng inisyatibang ito ang matibay na paninindigan ng RMFB15 at ng BCU na magtulungan sa paghahanda ng mga kabataang magiging bahagi ng hanay ng law enforcement—mga propesyunal na may sapat na kaalaman, malasakit sa komunidad, at mataas na pamantayan ng integridad.

Ang nasabing kasunduan ay isa pang mahalagang hakbang tungo sa paglikha ng mga kompetente, service-oriented, at values-driven na tagapagpatupad ng batas na magsisilbing haligi ng kapayapaan at kaayusan sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *