PNP Region 6, nakiisa sa Ordination Rites ni Rev. Christian P. Diaz at Rev. Danielle Xenon E. Ngujo
Nakiisa ang mga tauhan ng PNP Region 6 sa pangunguna ni PBGEN JOSEFINO D LIGAN, Regional Director ng Police Regional Office 6 kasama si PCOL ALBERT D TAPULAO, Provincial Director ng Capiz Police Provincial Office, sa Ordination to the Presbyterate ni Rev. Christian P. Diaz of the Shrine ng Our Lady of Mt. Carmel Parish at Rev. Danielle Xenon E. Ngujo, MMSJ of the Merciful Missionaries of St. Joseph.

Ang nasabing sagaradong seremonya ay pinangunahan ni His Excellency, Most Rev. Victor B. Bendico, D.D., Archbishop ng Capiz, na ginanap sa Shrine of Our Lady of Mt. Carmel Parish, Roxas City, Capiz, nito lamang January 15, 2026.
Ang pakikiisa ng PNP Region 6 sa nasabing seremonya ay bahagi sa matibay na ugnayan sa pagitan ng mga awtoridad at ng buong komunidad kabilang na ang simbahan.

Sa pamamagitan ng simbahan, mas nagagabayan pa ang buong komunidad sa maayos na asal at paniniwala maging sa pagkakaroon ng moralidad partikular na sa kanilang araw-araw na pamumuhay.