PRO CAR at BGHMC, pormal na pinagtibay ang kasunduan para bigyang-pansin ang mental health ng Cordi cops

0
viber_image_2026-01-16_08-53-08-355

Pormal na pinagtibay ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) at ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) ang isang Memorandum of Understanding (MOU) noong Enero 15, 2026, bilang hakbang sa higit pang pagpapalakas ng pangangalaga sa kabuuang kapakanan at mental health ng mga kapulisan at kanilang mga pamilya.

Isinagawa ang MOU signing sa PRO CAR Log Cabin na nilahukan nina PBGen Ericson D. Dilag, Regional Director; PCol Julio S. Lizardo, Acting Deputy Regional Director for Administration; at PCol Lemuel P. Nalangan, Chief ng Regional Medical and Dental Unit–CAR. Kinatawan naman ng BGHMC sina Dr. Larry C. Haya Jr., Medical Center Chief II, at Dr. Ramona E. Abat, Head ng Department of Psychiatry.

Layunin ng kasunduan na bumuo ng isang komprehensibong balangkas para sa pag-iwas at pagtugon sa mental health concerns ng mga pulis at kanilang dependents, na dulot ng matitinding hamon ng trabaho sa hanay ng kapulisan kabilang ang trauma, araw-araw na stress, at mataas na antas ng responsibilidad.

Sa ilalim ng partnership, magsasagawa ang BGHMC ng mga espesyal na pagsasanay, lektura, at seminar upang sanayin ang mga tauhan ng PRO CAR sa psychological first aid, stress management, coaching, at debriefing, bilang suporta sa mga nangangailangan ng agarang tulong mental at emosyonal.

Sa pormalisasyon ng kasunduang ito, pinagtitibay ng PRO CAR at BGHMC ang kahalagahan ng mental health bilang mahalagang bahagi ng epektibo at makataong serbisyo publiko, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *