“Pulong-pulong, Dialogue, dinaluhan ng mga Barangay Officials sa Calatrava, Negros Occidental

0
viber_image_2026-01-19_15-26-29-657

Masigasig na dumalo ang mga Barangay Officials sa isinakatuparang Pulong-pulong, Dialogue nitong January 18, 2026 sa Barangay Dolis, Calatrava Negros Occidental.

Isinagawa ang nasabing aktibidad sa pangunguna ng mga tauhan ng Calatrava Municipal Police Station katuwang ang 79 IB,3ID, Philippine Army.

Kabilang sa mga mahahalagang paksa na tinalakay ng nasabing aktibidad ang may kaugnayan sa peace and order situation ng nasabing Barangay, Campaign against Terrorism maging ng Anti-Criminality.

Tinalakay rin ang iilang mga hinanaing ng mga residente at nagbigay din ng nararapat na mga gabay ang mga awtoridad.

Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang pakikipag-koordinasyon ng PNP, AFP, barangay officials, maging ng mga residente para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *