Mga guro at mag-aaral sa Minglanilla, Cebu, nakiisa sa Symposium na isinakatuparan ng mga awtoridad

0
viber_image_2026-03-08_11-22-55-589

Matagumpay na nakiisa ang mga guro at mag-aaral mula sa Cuanos Integrated School sa isinakatuparang Drug Awareness at Anti-Terrorism Awareness ng mga awtoridad sa Brgy. Cuanos, Minglanilla, Cebu nito lamang March 6, 2026.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company o mas kilalang “Peacekeepers of the South” sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL DHEFRY ADAYA PUNZALAN, Force Commander.

Layunin ng aktibidad na gabayan ang mga mag-aaral sa mga negatibong epekto ng illegal drugs sa kanilang mga sarili, pamilya, maging sa buong komunidad. Gayon din ang mga negatibong maidulot ng impuwensya ng mga rebeldeng CTG (Communist Terrorist Group) sa kanilang mga lokalidad.

Nagtapos ang aktibidad ng may panibagong kaalaman na naibahagi sa mga mag-aaral na tiyak na makakatulong sa kanilang kinabukasan bilang mga responsable at produktibong mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *