Mga awtoridad at komunidad, tulong-tulong sa pagrescue sa isang vehicular accident sa Antique

0
viber_image_2026-03-11_11-22-49-516

Tulong-tulong ang mga awtoridad kasama ang ilang mga residente sa pagresponde sa naganap na vehicular accident kamakailan lamang sa Brgy. Guisijan, Laua-an, Antique.

Pinangunahan ang naturang pagrescue ng mga tauhan ng 2nd Antique Provincial Mobile Force Company, 2nd Platoon kasama ang mga tauhan ng MDRRMO Laua-an at Laua-an MPS na agad ding nagpaabot ng immediate assistance sa nasabing insidente.

Matapos mabigyan ng paunang lunas ang motoristang biktima, agad itong isinugod sa pinakamalapit na ospital para sa kaukulan pang medikasyon.

Samantala, habang isinasagawa ang pagrescue tumulong din ang pulisya sa pagsasaayos ng trapiko upang tuloy-tuloy pa rin ang maayos na daloy ng trapiko sa kabila ng nasabing aberya.

Ang mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay siyang nagtiyak sa kaligtasan ng ating kababayang nadisgrasya sa kalsada.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa lahat ng mga motorista at byahero na magdoble ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang parehong aksidente sa kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *