2nd Cagayan PMFC, nakilahok sa mga bloodletting activity sa Abulug at Tuguegarao City
Nakiisa ang mga personnel ng 2nd Cagayan Police Mobile Force Company (PMFC) sa isinagawang bloodletting activity na may temang “Dugong Alay, Buhay ang Kaagapay” noong ika-10 ng Marso 2026 sa Northwestern Cagayan General Hospital sa Abulug, Cagayan, sa pakikipagtulungan ng Cagayan Valley Medical Center.

Pinangunahan ni PMaj Jefferson D. Mukay, Acting Force Commander, ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pakikiisa ng yunit sa mga programang makatao na naglalayong makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.
Samantala, ang ilan pang personnel ng yunit ay nakilahok din sa isinagawang bloodletting activity sa Police Regional Office 2 (PRO2) sa Tuguegarao City sa ilalim ng programang Project Lifeline: “Dugo Ko, Buhay Mo.”
Layunin ng mga nasabing aktibidad na mapalakas ang suplay ng dugo sa mga ospital at makatulong sa pagliligtas ng buhay ng mga pasyenteng nangangailangan nito. Ipinapakita rin nito ang patuloy na malasakit at dedikasyon ng kapulisan hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi pati na rin sa pagsuporta sa mga makataong gawain para sa kapakanan ng komunidad.

Patuloy ang 2nd CPMFC sa pakikiisa sa mga programang naglalayong magbigay ng tulong at pag-asa sa kapwa, kasabay ng kanilang tungkulin sa paglilingkod at pagprotekta sa mamamayan.
Source: 2nd Cagayan PMFC