PNP, BFP at MDRRMO, nagsagawa ng Basic Life Support at First Aid Training sa Lubon NHS sa Mt. Province

0
viber_image_2026-03-24_12-48-01-723

Nagpakita ng matibay na interagency coordination ang mga ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team ng 1502nd MC, RMFB15 sa ilalim ng superbisyon ni Police Captain Junnifer P. Paggui, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa isinagawang Basic Life Support at First Aid Training sa Lubon National High School sa Tadian, Mountain Province noong Marso 23, 2026.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga estudyante at guro sa pagresponde sa mga emergency sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng Philippine National Police at iba pang ahensya. Dumalo sa pagsasanay ang 40 mag-aaral mula Grades 9, 10, at 11, kasama ang pitong guro na binigyan ng kaalaman at kasanayan sa pagligtas ng buhay.

Tinalakay sa training ang mga pangunahing prinsipyo ng Basic Life Support, tamang bandaging techniques, splinting, victim packaging, at iba’t ibang rescue carries. Sa pamamagitan ng hands-on practice at paggabay ng mga trained personnel, nahasa ang kumpiyansa at kakayahan ng mga kalahok na tumugon sa mga sitwasyong pang-emergency.

Ipinakita ng inisyatibang ito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kapulisan, ibang mga ahensya, at ng komunidad upang makabuo ng isang ligtas at handang pamayanan na may kakayahang tumugon sa aksidente, injuries, at iba pang mga banta.

Source: RMFB 15,1502nd Maneuver Company Official FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *