Constructive Dialogue, isinakatuparan sa pagitan ng mga awtoridad at Salaam Police Advocacy Group sa Bohol
Matagumpay na isinikatuparan ang isang Constructive Dialogue sa pagitan ng Salaam Police ng Bohol PNP at ng mga kasapi ng Salaam Police Advocacy Group mula sa Trinidad at Inabanga Chapter kamakailan lamang.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni PSSg Jonald “Abdulsalam” C. Avinido ng Salaam Police BPPO sa ilalim ng susperbisyon ni PLTCOL JOSEPH P. BERONDO, Chief PCADU, na tinalakay ang mga usaping may kaugnayan sa pagpapatibay ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa laalwigan at higit sa lahat maiwasan ang anumang uri ng radicalisasyon.
Layunin ng nasabing programa na magkaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mga awtoridad at ng komunidad kung saan bukas ang mga miyembro na makipagtulungan sa kanila upang pag-usapan ag bigyang solusyon ang lahat ng mga usapin sa komunidad lalo na sa lokal na seguridad.

Sa pamamagitan ng parehong mga aktibidad mas napagtibay pa ng pulisya ang pakikipgtulungan sa lahat ng sektor ng komunidad upang mapalawak ang kanilang mga kampanya at inisyatibo kontra sa lahat ng uri ng kriminalidad.