Mga miyembro ng BPATs Dingading, sumailalim sa basic at skills training sa San Guillermo, Isabela
Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) Dingading sa isinagawang BPATs Training at Basic Life Support (BLS) Training sa Barangay Dingading, San Guillermo, Isabela nito lamang ika-23 ng Mayo, 2026.
Pinangunahan ang aktibidad ng Local Government Unit ng San Guillermo sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Engr. Felipe “Pipot” Castañeda Guyud III sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na pinamumunuan ni LDRRMO Bony E. Macanas. Nakiisa rin si Hon. Jose Pinto Villamil, Punong Barangay, at ang San Guillermo Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Ervin A. Langbayan.

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ang pagbibigay ng mahahalagang kaalaman at tamang pamamaraan sa BLS upang mabigyang kakayahan ang mga kalahok na makapagbigay ng agarang paunang lunas habang hinihintay ang pagdating ng mga medical responder. Nagsagawa rin ng earthquake drill upang higit na mapalakas ang kahandaan at tamang pagresponde sa oras ng lindol at iba pang sakuna.
Patuloy naming isinusulong ng Philippine National Police – San Guillermo Police Station, katuwang ang lokal na pamahalaan at mga barangay officials, ang mg aprogramang naglalayong mapalakas ang ang partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at kaligtasan tungo sa isang ligtas, handa, at disiplinadong Bagong Pilipinas.
Sources: Mdrrmo San Guillermo and San Guillermo PS