San Isidro MPS at SFACG, Nagsagawa ng Feeding Program para sa San Isidro, Nueva Ecija

0
Screenshot-2026-08-04-141625

SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA β€” Nagsagawa ng feeding program ang San Isidro Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Special Force and Coalition Group (SFACG) San Isidro, para sa mga residente ng Intramuros St., Barangay Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija.

Pinangunahan ni PMAJ Mark Leslie Barlis, Acting Chief of Police ng San Isidro MPS, kasama si Mr. Ernesto Dizon, lider ng SFACG San Isidro, ang naturang aktibidad na naglalayong makatulong sa komunidad at mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan.

Tinatayang 150 residente ng nasabing lugar ang nakatanggap ng masustansyang sopas bilang bahagi ng programa. Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa pagtutulungan ng San Isidro MPS at SFACG San Isidro, na patuloy na nagsusulong ng mga programang makatutulong at makapagbibigay ng malasakit sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *