Medical Mission ng Alpha Phi Omega, isinagawa sa San Carlos City, Pangasinan
Nagsagawa ng medical mission ang Alpha Phi Omega—Binalatongan San Carlos City Pangasinan Alumni Association (AAPC-139) noong Hunyo 6, 2026 sa Covered Court 1, Brgy. Capataan, San Carlos City, Pangasinan upang maghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng nasabing lugar.
Sa tulong ng mga healthcare professionals, volunteers, lokal na stakeholder, at mga katuwang na ahensya kabilang ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa pamumuno ni PCol Dennis L. De Leon, OIC, nakatanggap ang mga mamamayan ng libreng konsultasyong medikal, health screening, gamot, at bitamina.
Ipinakita ng nasabing aktibidad ang patuloy na dedikasyon ng Alpha Phi Omega sa paglilingkod sa komunidad at pagsusulong ng mga programang makatao na nakatutulong sa kapakanan ng mamamayan.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa mga organizer at partner agencies sa pagbibigay ng serbisyong naghatid ng pag-asa at malasakit sa kanilang komunidad.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Pangasinan PPO