RPSB, Namahagi ng IEC Materials at Food Packs sa Barangay Tigatto
Bilang suporta sa pagpapatupad ng E.O. 70 at ng NTF-ELCAC, nagsagawa ang Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) ng pamamahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials at food packs sa Juliville, Barangay Tigatto, Buhangin District, Davao City.

Laman ng mga IEC materials ang impormasyon tungkol sa DCPO Culture of Peace, mga security hotline, Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), at Anti-Terrorism Awareness Campaign. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng komunidad, mahikayat ang pakikilahok ng mamamayan, at isulong ang kapayapaan, seguridad, at pagbabantay laban sa mga banta sa kaligtasan ng publiko.
Kasabay nito, namahagi rin ang mga tauhan ng RPSB ng food packs sa mga residente bilang bahagi ng kanilang patuloy na programang pangkomunidad. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinatitibay ng pulisya ang ugnayan sa mamamayan at ang sama-samang pagsusulong ng isang ligtas at mapayapang pamayanan.