Outreach Program, inilunsad sa San Andres, Catanduanes

0
viber_image_2026-07-07_10-00-16-301

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month, pinangunahan ni PMAJ FRANCIS T TABO I, Chief of Police ng San Andres Municipal Police Station, ang isinagawang Outreach Program sa pamamagitan ng Feeding activity sa Barangay San Isidro, San Andres, Catanduanes nitong Hunyo 5, 2026.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad si Hon. Jenor L. Sollegue, Municipal Councilor at mga tauhan ng Philippine Army, bilang pagpapakita ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo sa komunidad.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng tulong at kasiyahan sa mga residente, lalo na sa mga kabataan, habang higit pang pinatitibay ang ugnayan ng kapulisan at komunidad.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, naipapakita ang malasakit ng kapulisan sa mamamayan at ang patuloy nitong pagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at nagkakaisang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *