Mga mag-aaral ng RJ Dama Christian School, pinalawak ang kaalaman sa anti-illegal drugs at anti-bullying

0
IMG-ef081e2bb9cae2385d01632f10e14343-V

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng RJ Dama Christian School sa isinagawang Project ALERT (Anti-Illegal Drugs, Law Enforcement Response, and Terrorism Awareness) Information Drive at Anti-Bullying Awareness Lecture sa Brgy. Centro, Santa Ana, Cagayan noong Setyembre 23, 2026, na pinangunahan ng mga tauhan ng 4th Mobile Force Platoon (MFP), 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC), sa pangunguna ni PCMS Anatoly Viloria, PCR PNCO.

Tinalakay sa aktibidad ang mga panganib at epekto ng ilegal na droga sa pisikal, sikolohikal, at panlipunang kalagayan ng isang tao, gayundin ang masamang epekto nito sa pag-aaral at kinabukasan ng mga kabataan at ang kaukulang legal na pananagutan.

Isinagawa rin ang Anti-Bullying Awareness Lecture na nagbigay-diin sa kahalagahan ng paggalang, responsableng pag-uugali, at tamang pagpapasya, kabilang ang mga probisyon ukol sa pananagutan ng mga kabataang 15 taong gulang ngunit wala pang 18 taong gulang na kumilos nang may discernment.

Sa isinagawang open forum, nagbahagi ang mga mag-aaral ng kanilang mga katanungan hinggil sa pag-iwas sa ilegal na droga at mga paraan upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa masasamang impluwensya. Naging pagkakataon din ito upang higit nilang maunawaan ang kahalagahan ng tamang pagpapasya at pagiging responsable sa kanilang pakikitungo sa kapwa.

Sa pamamagitan ng patuloy na information drive at pakikipag-ugnayan sa mga paaralan, layunin ng PNP na mapalawak ang kaalaman ng kabataan at mahikayat silang maging mapagmatyag, responsable, at aktibong katuwang sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na komunidad, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *