Oplan Ligtas Eskwela, ikinasa sa Tondo, Manila
Ikinasa ng kapulisan ang Oplan Ligtas Eskwela sa mga nag-aaral ng Florentino Torres High School, kahabaan ng Juan Luna St. kanto ng Bulacan St., Gagalangin, Tondo, Manila nito lamang Biyernes, Setyembre 25, 2026.
Nanguna ang mga tauhan ng Gagalangin Police Community Precint sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT JEFFREY O. MONTERO, PCP Commander, sa pamumuno ni PLTCOL RONALD M. DE LEON, Station Commander, Manila Police Station 1.
Patuloy ang koordinasyon, monitoring at presensya ng pulisya sa lugar upang higit na mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad, at maiwasan ang anumang insidente sa loob ng paaralan na may kaugnayan sa bullying o karahasan.