Senior Citizen, tulong-tulong na nailigtas sa Boliney, Abra
Tulong-tulong ang mga residente ng Danac, Boliney, Abra sa pagdadala sa pasyenteng Senior Citizen mula sa liblib na lugar gamit ang tradisyonal na pamamaraang tinatawag na “bulig” nito lamang September 30, 2026.
Gumamit sila ng kawayan at kumot upang maihatid ang pasyente sa pinakamalapit na lugar na naaabot ng sasakyan sa Sitio Sabangan, Amti, Boliney, kung saan humingi sila tulong sa mga tauhan ng Boliney Municipal Police Station (MPS).

Agad namang inatasan ni PLt Cesario A. Alvarez, Acting Chief of Police ng Boliney MPS, sina PMSg Wansi Ya-o at PCpl Winver Antiporda na tumugon sa idinulog na insidente at makipag-ugnayan sa Boliney RHU.
Kaagad na pinuntahan ng mga kapulisan ang lugar upang asistehan ang naturang pasyenteng senior citizen na noon ay nahihirapang huminga habang inililipat patungo sa RHU-Boliney.
Matagumpay namang nahihatid ng pulis ang pasyente sa sa RHU-Boliney para sa agarang medikal na atensyon.