Community Outreach Program isinagawa sa Cervantes, Ilocos Sur
Tumanggap ng iba’t ibang serbisyo ang mga mag-aaral at residente ng Brgy. Libang sa isinagawang Community Outreach Program sa Bantay Primary School sa Cervantes, Ilocos Sur noong Setyembre 30, 2026.
Tampok sa aktibidad ang Anti-Bullying Lecture na pinangunahan ng mga kapulisan mula sa 102nd Maneuver Company (102nd MC) kasabay ng inilunsad na libreng gupit, Zumba, at Supplemental Feeding Program na naglalayong itaguyod ang kapakanan, kalusugan, at kaligtasan ng mga mag-aaral at komunidad.

Kasabay nito, isinagawa rin ang turn-over at installation ng 102nd MC Pailaw Project, gayundin ang pagkakaloob ng dalawang handheld radio sa ilalim ng programang “I-Radyo Mo sa 102nd MC,” upang makatulong sa pagpapalakas ng seguridad, komunikasyon, at koordinasyon sa barangay.
Pinangunahan ni PCPT Oliver L. Gaspar, ACC, ang aktibidad katuwang ang 102nd MC Advisory Council, Sir Orlando Molina, mga opisyal ng Brgy. Libang sa pangunguna ni Hon. Eddie Cortez, at teaching at non-teaching personnel ng Bantay Primary School sa pangangasiwa ni Ma’am Bridgette Cortez.
Sa pamamagitan ng naturang programa, patuloy na pinatitibay ng kapulisan ang ugnayan at pagtutulungan ng Pulisya, Paaralan, Barangay, at Komunidad tungo sa mas ligtas at maunlad na pamayanan.