LGU Rapu-Rapu, pinalakas ang operational capability ng kapulisan

0
viber_image_2026-10-06_13-56-09-823

Patuloy na pinatitibay ng lokal na pamahalaan ng Rapu-Rapu sa lalawigan ng Albay ang kanilang ugnayan upang mapalakas ang kakayahan ng mga awtoridad sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad, lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaligtasan, at seguridad.

Noong Oktubre 3, 2026, isinagawa ng Local Government Unit (LGU) ng Rapu-Rapu, sa pangunguna ni Hon. Romel A. Galicia, Municipal Mayor, ang Ceremonial Turnover ng isang motorsiklo at Search and Rescue (SAR) equipment sa Rapu-Rapu Municipal Police Station (MPS) ng Albay Police Provincial Office.

Layunin ng turnover na higit na mapalakas ang operational capability ng Rapu-Rapu MPS, partikular sa police mobility, emergency response, at search and rescue operations. Sa karagdagang mobility asset at kagamitan, mas magiging mabilis at episyente ang pagtugon ng mga pulis sa mga insidente at emergency situation, gayundin ang kanilang pagresponde sa mga lugar na nangangailangan ng agarang police assistance sa buong munisipalidad.

Ang suporta ng LGU ay konkretong pagpapakita ng kahalagahan ng PNP Focused Agenda sa pagsusulong ng matatag na ugnayan at pakikipagtulungan sa mga local government unit at iba pang stakeholders. Higit pa sa simpleng turnover ng kagamitan, ipinakikita ng inisyatibang ito ang whole-of-community approach sa peace and order at public safety, kung saan nagsasama-sama ang kapulisan, pamahalaang lokal, at komunidad upang matiyak ang mas mabilis, maaasahan, at epektibong serbisyo publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *