Information Drive, isinagawa sa Cotabato
Isinagawa ni Police Major Jose Ryan B. Feranil, Hepe ng President Roxas Municipal Police Station, ang information drive para sa mga mag-aaral ng Don Antonio Jayme Memorial High School sa Barangay del Carmen, President Roxas, Cotabato noong Lunes, Oktubre 5, 2026.
Tinalakay ang Anti-Bullying Act, mga panganib ng nihilistic violence, at responsableng paggamit ng social media, kabilang ang tamang pag-uulat ng online threats at kahina-hinalang aktibidad.
Pinayuhan ang mga mag-aaral na maging mabait, mapagmatyag, at responsable, at agad magsumbong sa mga magulang, guro o awtoridad kapag nakaranas o nakasaksi ng bullying, pagbabanta, o kahina-hinalang gawain.