National School Safety Week, inilunsad sa Looc Elementary School
Pormal nang inilunsad sa Looc Elementary School ang pagdiriwang ng National School Safety Week sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Raising Ceremony na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay, Barangay Health Workers (BHWs), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at iba pang katuwang ng paaralan nito lamang umga ng Lunes, Oktubre 12, 2026 sa Cardona, Rizal.
Higit pa sa isang seremonya, ipinakita ng pagtitipon ang pagkakaisa at sama-samang paninindigan ng paaralan at ng komunidad na pangalagaan ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, palaganapin ang kamalayan sa kahalagahan ng kaligtasan, at tiyaking mananatiling ligtas at maayos ang kapaligiran ng paaralan para sa lahat.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Looc Elementary School sa lahat ng mga opisyal, katuwang, at stakeholder na naglaan ng oras at suporta upang maging makabuluhan ang gawaing ito. Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong sa pagsusulong ng isang komunidad kung saan ang bawat bata ay napoprotektahan, ang bawat guro ay nasusuportahan, at ang bawat magulang ay panatag ang kalooban.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa, at malasakit, patuloy nating maisusulong ang isang ligtas at maunlad na kapaligiran para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.
Sama-sama para sa ligtas na paaralan, dahil ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay responsibilidad nating lahat.