BPATs at Caloocan Cops, nagsagawa ng Oplan Galugad
Nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) katuwang ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad nito lamang Oktubre 10, 2026 sa Brgy. 175, Caloocan City.
Layunin ng operasyon na palakasin ang seguridad, maiwasan ang mga posibleng insidente ng krimen, at matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa pamamagitan ng pinaigting na pagpapatrolya at pagbabantay sa mga lugar na nasasakupan.
Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang pamayanan.

