3rd Maneuver Platoon, nagsagawa ng community outreach sa Occ. Mindoro

0
853582547_1154825270306066_3329764123521175117_n-1-1

May kabuuang 35 residente ang nakinabang sa community outreach program ng 3rd Maneuver Platoon ng 1st OMPMFC sa Purok 3, Sitio Batiraran, Barangay Sibalat, Magsaysay, Occidental Mindoro, noong Oktubre 18, 2026.

Pinangunahan ni PLT Albert C. Casañas, Platoon Leader, ang pamamahagi ng mga food pack sa mga miyembro ng R-PSB Fisherfolks and Farmer Associations bilang bahagi ng pagtulong sa mga pamilya sa komunidad.

Layunin ng aktibidad na patatagin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan, mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan, at makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangang residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *