801st Maneuver Company, nagsagawa ng outreach program sa Eastern Samar

0
854489636_1428393326134639_3669247326992708882_n

Nagsagawa ang 801st Maneuver Company ng RMFB 8, katuwang ang KKDAT at mga opisyal ng barangay, ng community outreach program sa Barangay Bato, Arteche, Eastern Samar noong Oktubre 18, 2026.

Kabilang sa aktibidad ang feeding program, libreng pagpapagupit, pamamahagi ng food packs sa mga PWD, SAFE 911 awareness materials, at IEC materials upang palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad at isulong ang kapayapaan at kampanya kontra ilegal na droga at insurhensiya.

Ayon kay PCPT Dominique G. Ordonio, layunin ng aktibidad na itaguyod ang pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng kabataan, mga opisyal ng barangay, at pulisya para sa isang ligtas at mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *