Bauko MPS at Bagnen Oriente Elementary School, agkaisa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral
Pinagtibay ng Bauko Municipal Police Station (Bauko MPS) at Bagnen Oriente Elementary School ang kanilang pagtutulungan para sa kaligtasan at proteksiyon ng mga bata sa pamamagitan ng isang school visitation at awareness lecture para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6 noong Oktubre 27, 2026.
Tinalakay ng mga tauhan ng Bauko MPS ang mga praktikal na paraan ng pag-iwas sa krimen at pagkilala sa good touch at bad touch. Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa personal safety, paggalang sa sariling katawan, at pagtatakda ng wastong personal boundaries.
Binigyang-diin din sa mga bata ang kahalagahan ng pagsasabi at paghingi ng tulong sa mga pinagkakatiwalaang nakatatanda, gaya ng kanilang mga magulang, guro, o tagapag-alaga, sakaling makaranas sila ng hindi komportable o hindi angkop na paghawak. Sa ganitong paraan, nahihikayat silang maging mapagmatyag at magkaroon ng lakas ng loob na magsumbong upang mapangalagaan ang kanilang sarili.
Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na pinatitibay ng Bauko MPS ang pakikipagtulungan sa mga paaralan upang maisulong ang child protection, kamalayan sa pag-iwas sa krimen, at ligtas na kapaligiran sa pag-aaral.
Source: Bauko MPS (https://www.facebook.com/share/p/14w7LE3hdwc/)