Barangay Visitation at BPATs mobilization, ikinasa sa Bataan
Ikinasa ng mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station (MPS), sa pamumuno ni PMAJ PATRICK CARLO R. BALCANAO, Chief of Police, ang pagdalaw sa barangay at mobilisasyon ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Barangay Wakas South, Pilar, Bataan, bilang suporta sa JBM Patrol System noong Nobyembre 8, 2026.
Layunin ng aktibidad na higit pang palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng kapulisan at mga kinatawan ng barangay, hikayatin ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at palakasin ang suporta ng mga miyembro ng BPATs sa mga lokal na programa at inisyatiba para sa pag-iwas sa krimen.
Binigyang-diin din sa nasabing mobilisasyon ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag ng bawat mamamayan, agarang pagsumbong sa mga kahina-hinalang gawain, at mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng pulisya upang matugunan ang mga usaping pangseguridad at maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad sa loob ng barangay.