BPATs at kapulisan, nagsagawa ng establishment visitation bilang paghahanda sa ASEAN 2026

0
910789475_1860386704981851_3298510250292485594_n

Pinaigting ng mga tauhan ng pulisya, katuwang ang Barangay Peace Action Teams (BPATs) ng Barangay San Nicolas, ang pagbabantay sa mga establisimyento at mahahalagang pasilidad sa kanilang nasasakupan noong Nobyembre 16, 2026, bilang paghahanda sa ASEAN 2026 Summit.

Pinangasiwaan ni PMAJ ROMULUS B. RAMOS, Acting Station Commander, Angeles Police Station 1,  ang aktibidad na naglalayong palakasin ang police visibility, tiyakin ang seguridad ng mga establisimyento at maiwasan ang anumang posibleng krimen.

Bahagi ito ng patuloy na paghahanda ng kapulisan upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng publiko bilang suporta sa mga hakbang ng pamahalaan para sa ligtas at maayos na pagdaraos ng ASEAN 2026 Summit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *