Cardona MPS, nagsagawa ng lecture at outreach program para sa kababaihan sa Rizal

0
Screenshot-2026-11-21-134610

Nagsagawa ang Cardona Municipal Police Station (MPS) ng lecture hinggil sa crime prevention at mga paalala para sa kaligtasan ng publiko, kasabay ng community outreach program para sa sektor ng kababaihan sa Buklod Pangarap Village, Barangay Calahan, Cardona, Rizal.

Pinangunahan ni PMAJ Joseph C. Sacramento, Chief of Police ng Cardona MPS, ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan (LGU) at sa tulong ng Buklod Pangarap Village Homeowners Association (HOA).

Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga residente, partikular ng kababaihan, tungkol sa pag-iwas sa krimen at pagpapanatili ng kaligtasan sa komunidad. Ipinakita rin ng aktibidad ang patuloy na pagsisikap ng kapulisan na palakasin ang ugnayan sa mamamayan at isulong ang isang ligtas at nagkakaisang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *