LGU Tumauini, nagsagawa ng Capacity Enhancement Seminar sa BPATs
Matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini ang Capacity Enhancement Seminar (ACES) para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) nito lamang Nobyembre 18, 2026, sa Tito Sotto Hall, Municipal Hall, Tumauini, Isabela.
Layunin ng nasabing seminar na mapalawak ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga miyembro ng BPAT sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagsusulong ng kaligtasan ng komunidad, at pagsuporta sa mga programang pangkapayapaan sa antas ng barangay.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng mga pagsasanay at capacity-building activities, ipinapakita ng lokal na pamahalaan ang kanilang dedikasyon na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na peacekeeping personnel.
Binigyang-diin din ng naturang aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikipagtulungan ng mga barangay at lokal na pamahalaan upang makabuo ng mas ligtas, maayos, at mapayapang komunidad para sa lahat ng mamamayan.