PADAC, nakiisa sa Bola Kontra Droga Program

Nakiisa ang Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) sa programang Bola Kontra Droga(BOLA TADOT) na pinangunahan ng Davao de Oro Police Provincial Office nito lamang Oktubre 18, 2024.

Ang programang ito ay may layuning itaas ang kamalayan ng komunidad hinggil sa mga panganib ng paggamit ng droga, at naglalayong itaguyod ang mas malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng mga aktibidad na nakatuon sa sports partikular na basketball.

Ang mga ganitong inisyatibo ay mahalaga upang mapalaganap ang tamang impormasyon at hikayatin ang mga tao, lalo na ang kabataan, na iwasan ang droga at lumahok sa positibong gawain.

Sa kabuuan, ang programing “BOLA TADOT” ay hindi lamang tungkol sa sports kundi isang hakbang upang makalikha ng isang mas ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *