Upi MPS, pinaigting ang seguridad at police visibility para sa mga mag-aaral

0
IMG_20261118_104554

​Bilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko, nagsagawa ng regular na police presence at visibility operations ang mga tauhan ng Upi Municipal Police Station (MPS), sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT JUSTINE BERNARD S TELERON, Officer-In-Charge, sa loob at paligid ng mga paaralan.

​Binibigyang-diin din ng hakbang na ito ang kahalagahan ng pagpapatibay sa ugnayan ng mga alagad ng batas at ng mga institusyong pang-edukasyon.

Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at pakikipagtulungan sa mga administrador ng paaralan, guro, magulang, at mag-aaral, patuloy na isinusulong ng PNP ang kamalayan, kahandaan, at pakikilahok ng komunidad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *