Barkadahan Clean-up Drive, isinagawa sa Bukidnon

Matagumpay na isinagawa ang Barkadahan Clean-up Drive sa Sitio Ilignan, Zone 3 Proper, Brgy. Guihean, Impasug-ong, Bukidnon, nito lamang ika- 19 ng Oktobre 2024.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga Brgy. Officials, Brgy Tanod, Volunteers, Barangay Health Workers, Purok Leaders at mga residente ng nasabing lugar.

Tulong-tulong ang lahat sa paglilibot sa barangay upang makapulot ng mga basura.

Nasa limang sako ng iba’t- ibang basura ang kanilang nakolekta.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay kamalayan sa komunidad tungkol sa tamang pagtatapon ng basura, pagbabawas ng plastik, at pangangalaga sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *