Barangay Based Advocacy Group, nakiisa sa Lecture sa Nueva Vizcaya

Nakiisa ang mga Barangay Based Advocacy Group sa isinagawang lecture na ginanap sa Barangay Villa Florentina, Nueva Vizcaya, noong ika- 28 ng Oktubre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCpl Eden May H Mapalo, Asst WCPD PNCO, Pulis Sa Barangay (PSB) ng Enrile Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Angelo M Dasalla, Hepe ng nasabing himpilan.

Tinalakay sa aktibidad ang Anti-illegal gambling at nagbigay ng mahalagang impormasyon ang PNP sa mga masamang dulot ng ilegal na droga at ang mga batas kaugnay sa paggamit ng ilegal na droga, Municipal Ordinances at iba pang usapin na may kinalaman sa Peace and Order.

Ang Barangay Based Advocacy Group ng Barangay Villa Florentina ay patuloy na susuporta at makikiisa sa lahat ng programa ng pambansang pulisya para sa isang maayos at ligtas na komunidad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *