Anti-Illegal Drugs Campaign at Barangay Drug Clearing Symposium, isinagawa sa Southern Leyte
Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Campaign at Barangay Drug Clearing Symposium sa Macrohon Municipal Gymnasium, Brgy. San Vicente Poblacion, Macrohon, Southern Leyte nito lamang Enero 9, 2025.

Nakiisa sa aktibidad si Mr. Vicente Maraon, MLGOO, Municipality ng Macrohon kasama ang Southern Leyte Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Cristine M Tabdi, Provincial Director at mga Brgy. Kapitan at Brgy. Secretaries ng Macrohon. Tinalakay sa aktibidad ay Introduction to Board Regulation No. 4 series of 2021, BADAC Mandates Audit, Validation Process of Barangay with Drug-Cleared Status at Drug Awareness Lecture.
Layunin ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) na bawasan ang epekto ng droga sa bansa sa pamamagitan ng pag-alis ng droga sa mga tao; ilayo ang mga tao sa pang-akit ng ilegal na droga; at maapektuhan ang problema sa droga sa komunidad sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng suporta ng mga stakeholder, at mga may tungkulin, at mga lokal na punong ehekutibo.