Barkadahan Clean-up Drive, isinagawa sa Bukidnon

Matagumpay na isinagawa ang Barkadahan Clean-up Drive sa Sitio Ilignan, Brgy. Guihean, Impasug-ong, Bukidnon nito lamang ika-24 ng Enero 2025.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga Brgy. Officials, volunteers, Brgy Tanod at mga residente ng nasabing lugar.

Tulong-tulong ang naturang grupo sa paglilibot sa barangay upang mamulot ng iba’t ibang uri ng basura.

Tinatayang nasa 10 sako ng iba’t ibang basura ang nakolekta particular na ang plastic na umabot ng pitong kilo.

Layon ng aktibidad na magkaroon ng malaking epekto hindi lamang sa kalinisan ng komunidad, kundi pati na rin sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *