Kampanya kontra iligal na droga, tinalakay

Tinalakay sa isinagawang lecture ng mga tauhan ng Tugbok Police Station
ang pagbibigay-kaalaman hinggil sa kampanya laban sa ilegal na droga
sa Barangay Sto. Niño, Tugbok, Davao City noong Abril 21, 2025.
Pinagtuunan nang pansin ng pulisya kung paano maiwasan ang pagkalulong sa droga, ang mga senyales ng paggamit nito, gayundin ang mga karampatang parusa sa ilalim ng batas para sa mga sangkot sa ilegal na droga.
Ibinahagi din ang mga hakbang na maaaring gawin ng pamilya at pamayanan upang mapanatiling ligtas ang kanilang mga kabataan.
Bukod sa pagbibigay-impormasyon, binigyang-diin din ng mga kapulisan ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat mamamayan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar.
Hinimok din ang mga residente na agad magsumbong sa mga awtoridad kung may nalalamang ilegal na aktibidad, upang mas epektibong masugpo ang suliranin ng droga sa kanilang komunidad.
Ang aktibidad ay naging bahagi ng mas malawak na kampanya ng pamahalaan at ng Philippine National Police (PNP) upang mapalakas ang information dissemination at community engagement sa pagsugpo sa ilegal na droga—isang hakbang patungo sa mas ligtas at mas maunlad na pamayanan.