“Parada ng mga Palaweño”, isinagawa sa Puerto Princesa City

0
viber_image_2025-06-16_12-49-19-319

Matagumpay na isinagawa ang “Parada ng mga Palaweño” kaugnay ng Grand Opening ng “123rd Founding Anniversary of the Civil Government of Palawan, Baragatan sa Palawan Festival 2025” na ginanap mula Roxas St. Rizal Avenue hanggang Provincial Capitol, Puerto Princesa City nito lamang ika-13 ng Hunyo 2025.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City na dinaluhan ng iba’t ibang ahesya sa lungsod kabilang ang mga kapulisan ng Palawan Police Provincial Office, sa pangunguna ni PCol Joel D Casupanan, Provincial Director, kasama ang Staff Officer.

Layunin ng kaganapan na ipagdiwang ang pagkakatatag ng pamahalaang sibil sa lalawigan, palaganapin ang pagkakaisa ng mga mamamayan, at ipakita ang mayamang kultura at kasaysayan ng Palawan.

Source: Palawan PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *