LGU, nagsagawa ng Bloodletting Activity sa Kabacan, Cotabato

0
download-4

Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Kabacan ng Bloodletting Activity na ginanap sa Barangay Katidtuan Kabacan, Cotabato nito lamang ika-5 ng Mayo, 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) at Kabacan Municipal Police Station.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapalakas ang blood bank ng ospital upang matiyak na may sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan sa oras ng kagipitan.

Patuloy na hinihikayat ng Kabacan PNP ang publiko na makiisa sa mga ganitong aktibidad bilang simbolo ng malasakit at pagkakaisa para sa mas ligtas at mas ligtas na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *