BADAC Meeting, isinagawa sa ZamboNorte

Matagumpay na isinagawa ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) meeting na naganap sa Barangay Dr Rizal, Katipunan Zamboanga del Norte nito lamang ika-6 ng Mayo 2025.

Pinangunahan ng mga opisyal ng Barangay Dr Rizal katuwang ang Katipunan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Benjamin C Napigkit, Officer-In-Charge ng Katipunan Municipal Police Station.

Tinalakay sa isinagawang meeting ang masamang epekto ng illegal na droga, mga batas ukol sa droga, pagkilala at pag-iwas sa karahasang batay sa kasarian (Gender-Based Violence), Gender Awareness and Sensitivity, Kahalagahan ng Pamilya at Komunidad sa Pagpigil sa Krimen at Mga Programa ng Gobyerno at PNP na maaring makatulong sa komunidad.

Ang ganitong uri ng pagtutulungan ay nagpatunay ng pagkakaisa nang bawat sektor ng komunidad na magkaroon ng isang ligtas at maayos na pamayanan.

Layunin ng nasabing aktibidad na magsagawa ng mga kampanya at seminar upang maipabatid sa publiko ang masamang epekto ng droga at ang mga batas kaugnay nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *