BPATs, patuloy ang pakikiisa sa pinaigting na pagbabantay sa pamayanan

Patuloy ang pakikiisa ng Barangay Police Action Team (BPATs) sa pinaigting na programa ng PNP sa kampanya para sa kaligtasan at kaayusan sa pamamagitan ng pagpapatrolya sa Brgy. Liwan Sur, Enrile, Cagayan nitong ika-20 ng Mayo 2025.
Kasama ng naturang grupo ang Enrile PNP sa pagpapatrolya na naglalayong palakasin ang seguridad at agarang pagresponde ng mga insidente ng krimen sa lugar. Bahagi ito ng kanilang pagsisikap na mas mapalapit ang kapulisan sa komunidad at mapalakas ang tiwala ng mga residente sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Ang mga ganitong aktibidad ay kritikal sa pagpapanatili ng kaayusan dahil hindi lamang nito pinipigilan ang mga krimen, kundi nagbibigay din ito ng mabilis na tugon sa mga insidente at nagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng pulisya at mga mamamayan.