Force Multipliers, nakiisa sa Area Security Coverage

0
viber_image_2025-05-20_13-45-23-922

Nakiisa ang mga force multiplier sa isinagawang Area Security Coverage ng Catarman Municipal Police Station sa Brgy. Dalakit boulevard, Catarman, Northern Samar nito lamang Mayo 19, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Catarman Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel John Ryan C Doceo, Acting Chief of Police, kasama ang mga barangay officials at tanod ng nasabing barangay.

Ang aktibidad ay bahagi ng 60th Founding Anniversary ng Northern Samar, na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng Ibabao Festival 2025.

Ang aktibong presensya at pagbabantay ng Catarman MPS at force multipliers ay nagsisiguro sa kaligtasan, kapayapaan, at maayos na pagsasagawa ng kaganapan, na sumasalamin sa hindi natitinag na pangako ng PNP sa serbisyo publiko at pakikipagtulungan sa komunidad sa pagdiriwang ng lokal na kultura at pag-unlad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *