Clean-up Drive, isinagawa sa Cotabato
Nagsagawa ng isang clean-up drive sa Barangay Bangkal, Magpet, North Cotabato nito lamang ika-19 ng Mayo 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Magpet katuwang ang Magpet Municipal Police Station.
Layunin ng mga ganitong programa na hikayatin ang kooperasyon at pagkakaisa sa komunidad sa pamamagitan ng sabay-sabay na paglilinis upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, mabawasan ang polusyon, at maiwasan ang pagkalat ng sakit na dulot ng basura.