Regional Development Council VIII Executive Committee Emergency Meeting, isinagawa sa Leyte
Nakilahok ang mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa emergency meeting ng Regional Development Council VIII (RDC VIII) Executive Committee na ginanap sa Felipina Hall, DEPDev Regional Office VIII, Palo, Leyte nito lamang Mayo 19, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Lucy Torres Gomez, RDC VIII Chairperson, PSR Leo Christian V. Lauzon, RDC VIII Co-Chairperson kasama sina Dir. Edgar B. Tabacon, RDC VIII-IUDC Chairperson/DPWH Regional Director, Atty. Jam M. Colas-Villaber, RDC VIII Secretary at si PBGen Jay R Cumigad, Regional Director ng Police Regional Office 8.
Ang pagpupulong ay nakatuon sa San Juanico Bridge Rehabilitation.
Ang aktibidad ay naglalayong agarang tugunan ang rehabilitasyon ng San Juanico Bridge sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.